MENU

Sample Question/Tanong:

  • Pwede bang dito nalang po ako kumuha sa Philippine Consulate General in Istanbul, Turkey ng Overseas Employment Certificate o OEC. Pauwi po ako nitong 15 January 2021 at babalik ng Turkey ng 15 March 2021. Work permit holder po ako at first time na uuwi in almost 5 years.

 Answer/Sagot: 

  • Ang Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Istanbul ay hindi nagpa process ng Overseas Employment Certificates or OECs. Instead, ang mga tanong hinggil sa OEC ay masasagot ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) in Lebanon (or POLO Lebanon). Sa ilalim po ang kanilang detalye:

 ATTY. ALEJANDRO A. PADAEN    

Labor Attache

Philippine Overseas Labor Office

Philippine Embassy-Lebanon

2nd Flr., W-Building, Mar Geries St.

Hadath, Baabda, Mount Lebanon

Postal code: 1003

 

Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Tel. Number: +961 595 3523

Whatsapp Hotline: +961 71 418 657

Official Facebook page: @pololebanon

https://www.facebook.com/pololebanon

POLO & OWWA Hotline (for work-related complaints requiring immediate assistance)
+961 71-178 241 or +961 595 3523

 

  • Ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) in Lebanon o POLO Lebanon ay sangay ng Department of Labor and Employment (DOLE) na syang nagpapatupad ng patakaran ng Pilipinas hingil sa overseas work. Isa sa mga pangunahin nilang trabaho ay ang mag verify ng employment contracts and work papers in Turkey
  • Once na maverify ang inyong employment contract, maglalagay ng stamp ang POLO Lebanon sa inyong employment contract. Ang stamp na ito ang syang ipapakita ng isang OFW sa pinakamalapit na POEA office, para ma-bigyan ang OFW ng kaukulang OEC. Ang OEC na ito ang ipapakita ng OFW sa mga awtoridad sa airport sa Pilipinas para sila ay makabalik sa pinagtatrabahuhan nila sa Turkey. -End.