(ika- 4 ng Mayo 2021) -- Pinapaalalahanan ng Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Istanbul ang lahat ng Pilipinong nais mag-'transit' sa Istanbul International Airport na alamin ang mga sumusunod para maiwasan ang ma-stranded sa airport lalo na sa panahon ng pandemya:
- Bumili ng isang ticket lamang (na may iisang reference number) na kung saan nakalagay ang lahat ng mga lugar na daraanan sa halip na kumuha ng hiwa-hiwalay na tickets. Sa pamamagitan ng iisang ticket para sa buong biyahe, ang bagahe ay dapat i-check through hanggang sa huling punto ng patutunguhan (halimbawa, Pilipinas);
- Bago maglakbay, alamin ang mga regulasyon (kasama ang pangangailangan para sa RT-PCR) sa bawat lugar na daraanan. Mabilis magbago ang mga regulasyon na ito dahil sa pandemya. Sa karamihan ng mga transit points, hindi pinapayagan ang mga pasaherong may hiwa-hiwalay na tickets at hindi nag check out ng kanilang mga bagahe.
Hinihikayat din ang mga pasahero na bumili ng travel insurance na kapaki-pakinabang sa pagbili ng pang-araw-araw na pagkain, panunuluyan sa hotel, o kahit gastos sa pagpapagamot kung at kapag ma-stranded sa airport.
Hinihiling ng Konsulado Heneral sa bawat isa na bigyang-pansin ang mga nasabing mga payo, lalo na ngayon na may limitadong bilang ng mga pasaherong parating sa Pilipinas ang pinapayagan araw-araw.